Patakaran sa Anti Money-Laundering (AML) at Know Your Customer (KYC).
1. Patakaran ng pocketoption.com at ng mga affiliate nito, (na tinukoy dito bilang «Ang Kompanya») na ipagbawal at aktibong ituloy ang pag-iwas sa money laundering at anumang aktibidad na nagpapadali sa money laundering o pagbibigay ng mga pondo sa mga aktibidad ng terorista o kriminal. Inaatasan ng Kompanya ang mga opisyal, empleyado at affiliate nito na sumunod sa mga pamantayang ito sa pagpigil sa paggamit ng mga produkto at serbisyo nito para sa mga layuning may kaugnayan sa money laundering.
2. Sa loob ng Patakaran, ang money laundering ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang pagsasagawa ng mga kilos na idinisenyo para itago ang tunay na pinagmulan ng mga nalikom na pera para ang mga ilegal na nalikom ay lumilitaw na nagmula sa mga lehitimong pinagmulan o bumubuo ng mga lehitimong asset.
3. Sa pangkalahatan, nangyayari ang money laundering sa tatlong yugto. Ang cash ay unang ipinapasok sa financial system sa yugto na «placement», kung saan ang cash na na-generate mula sa mga krimen ay kino-convert sa mga monetary instrument, tulad ng mga money order o traveler's check, o dinideposito sa mga account sa mga pinansyal na institusyon. Sa yugto na «layering», tina-transfer ang mga pondo sa ibang account o iba pang pinansyal na institusyon para iiwas pa ang pera mula sa krimen na pinagmulan nito. Sa yugto na «integration», ipinapasok ulit ang mga pondo sa ekonomiya at ginagamit para bumili ng mga lehitimong asset o para lagyan ng mga pondo ang iba pang krimen o lehitimong negosyo. Puwedeng hindi sangkot sa pagpopondo ng terorista ang mga nalikom mula sa pagsasagawa ng krimen, pero sa halip, isa itong pagtatangka na itago ang pinagmulan o kung saan gagamitin ang mga pondo, na sa kalaunan ay gagamitin para sa mga kriminal na layunin.
4. Ang bawat empleyado ng Ang Kompanya, na ang mga tungkulin ay nauugnay sa probisyon ng mga produkto at serbisyo ng Ang Kompanya at na direkta o hindi direktang nakikipag-deal sa mga kliyente ng Ang Kompanya, ay inaasahang alam ang mga iniaatas ng mga naaangkop na batas at regulasyon na nakakaapekto sa kanyang mga responsibilidad sa trabaho, at magiging apirmatibong tungkulin ng naturang empleyado na tuparin ang mga responsibilidad na ito sa lahat ng oras sa paraang sumusunod sa mga iniaatas ng mga nauugnay na batas at regulasyon.
5. Kasama sa mga batas at regulasyon, pero hindi limitado sa: «Customer Due Diligence for Banks» (2001) at «General Guide to Account Opening and Customer Identification» (2003) ng Basel Committee of banking Supervision, Forty + nine Recommendations for Money Laundering of FATF, USA Patriot Act (2001), Prevention and Suppression of Money Laundering Activities Law of (1996).
6. Para matiyak na ang pangkalahatang patakarang ito ay natupad, ang management ng Ang Kompanya ay nagtatag at nagpapanatili ng isang patuloy na programa para sa layunin ng pagtiyak ng pagsunod sa mga nauugnay na batas at regulasyon at ang pag-iwas sa money laundering. Nilalayon ng programang ito na i-coordinate ang mga partikular na kinakailangan sa regulasyon sa buong grupo sa loob ng isang na-consolidate na framework para epektibong i-manage ang risk na ma-expose sa money laundering at pagpopondo ng terorista sa lahat ng yunit ng negosyo, tungkulin, at legal na entidad.
7. Ang bawat isa sa mga affiliate ng Ang Kompanya ay kinakailangang sumunod sa mga patakaran ng AML at KYC
8. Lahat ng dokumentasyon ng pagkakakilanlan at rekord ng mga serbisyo ay dapat itago sa pinakamiksing panahon na kinakailangan ng lokal na batas.
9. Ang lahat ng bagong empleyado ay dapat makatanggap ng pagsasanay sa anti-money laundering bilang bahagi ng mandatoryong programa ng pagsasanay para sa bagong-hire. Kinakailangan din ng lahat ng naaangkop na empleyado na kumpletuhin ang pagsasanay sa AML at KYC taun-taon. Kinakailangan ang pakikilahok sa mga karagdagang targeted na programa sa pagsasanay para sa lahat ng empleyado na may pang-araw-araw na responsibilidad sa AML at KYC.
10. Ang Kompanya ay may karapatang humiling mula sa Kliyente na kumpirmahin ang kanyang impormasyon sa pagpaparehistro na inilagay sa sandali ng pagbubukas ng trading account sa pagpapasya nito at anumang oras. Upang ma-verify ang data, maaaring humiling ang Kompanya mula sa Kliyente na magbigay ng mga nakanotaryong kopya ng: pasaporte, lisensya sa pagmamaneho o pambansang card ng pakakakilanlan (national identity card); bank account statement o utility bill para kumpirmahin ang address ng tirahan. Sa ilang sitwasyon, maaaring hilingin ng Kompanya sa Kliyente na magbigay ng litrato ng Kliyente na may hawak na card ng pagkakakilanlan malapit sa kanyang mukha. Ang mga detalyadong kinakailangan para sa pagkakakilanlan ng kliyente ay tinukoy sa seksyong AML Policy sa opisyal na website ng Kompanya.
11. Ang pamamaraan ng pag-verify ay hindi sapilitan para sa data ng pagkakakilanlan ng Kliyente kung ang Kliyente ay hindi nakatanggap ng ganoong kahilingan mula sa Kompanya. Ang Kliyente ay maaaring boluntaryong magpadala ng kopya ng pasaporte o iba pang dokumentong nagpapatunay ng kanyang pagkakakilanlan sa departamento ng suporta sa kliyente ng Kompanya upang matiyak ang pagpapatunay ng nasabing personal na data. Dapat isaalang-alang ng Kliyente na kapag nagdedeposito/nag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng bank transfer, dapat siyang magbigay ng mga dokumento para sa buong pag-verify ng pangalan at address na may kaugnayan sa mga detalye ng pagpapatupad at pagproseso ng mga transaksyon sa bangko.
12. Kung nagbago ang anumang data sa pagpaparehistro ng Kliyente (buong pangalan, address o numero ng telepono), obligado ang Kliyente na agad na ipaalam sa departamento ng suporta sa kliyente ng Kompanya ang mga pagbabagong ito na may kahilingan na baguhin ang data na ito o gumawa ng mga pagbabago nang walang tulong sa Profile ng Kliyente .
12.1. Upang palitan ang numero ng telepono na inilagay sa pagpaparehistro ng Profile ng Kliyente, ang Kliyente ay dapat magbigay ng isang dokumentong nagpapatunay sa pagmamay-ari ng bagong numero ng telepono (kasunduan sa isang mobile phone service provider) at isang larawan ng ID na nakadikit sa mukha ng Kliyente. Ang personal na data ng Kliyente ay dapat na pareho sa parehong mga dokumento.
13. Ang Kliyente ay may pananagutan para sa autentisidad ng mga dokumento (kanilang mga kopya) at kinikilala ang karapatan ng Kompanya na makipag-ugnayan sa mga naaangkop na awtoridad ng bansang naglabas ng mga dokumento upang patunayan ang kanilang autentisidad.